"Ang taong lumaki sa hirap, Ang panlasa sa lahat ng ulam ay masarap”
Galing si Yonon sa mahirap na pamilya. Sa murang edad na limang taon, kasakasama na siya ng nanay at tatay niya sa pagbubukid. Lumaki siya sa bukid na kasama na ang hirap sa pagtatrabaho sa mainit at maputik na palayan. Nagtatanim, nagtatanggal ng damo, namumulot ng kuhol at nag-aani. Minsan naman namimitas ng kalamansi na ang halaga ay hindi man lang mapantayan ang hirap sa pagpitas nito sa matinik na mga puno at sa pag akyat sa maliliit na mga sanga nito. Minsan naman sa pag-kopra ng niyog na minsan nga eh nabagsakan pa siya ng isang buong piling na sa awa ng Diyos eh hindi naman siya nabalian ngunit nagmarka ang mga galos sa dibdib niya at nawala naman nang magbinata na siya.
“Sa murang edad ni Yonon alam niya na hindi ‘yon ang totoong dahilan, kung hindi ang kahirapan”
Nag-aral si Yonon ng elementarya sa gulang na limang taon, nagtapos siya sa edad na labing-isa, kaya ‘yon ang ginawang dahilan ng nanay niya upang hindi siya pag aralin sa “highschool”, pero sa murang edad ni Yonon alam niya na hindi ‘yon ang totoong dahilan, kung hindi ang kahirapan. Tatlo silang pag-aaralin sa sekundarya at ang isa naman aypinag-aaral ng koleheyo na noo’y ika-tatlong taon na. Kaya hindi siya pinag-aral para makaya ng magulang niya ang gastusin. Lungkot, inggit, iyak at panghihinayang ang naramdaman niya sa mga panahong iyon. Ngunit wala siyang magagawa dahil wala talagang “choice”. Isang taon siya sa bukid, katulong sa lahat ng gawain. Naranasan niya ang katulad ng ilan na lahat ng kahirapan sa pagbubukid ay napagdaanan. Sunog sa araw, matigas na kamay dahil sa makapal na kalyo, bulok na mga kuko at puro alipunga ang mga paa dahil sa putik. Sa kabila ng mga pangyayaring iyon, hindi pa rin siya nawalan ng pag asa, sinasabi niya noon na giginhawa rin siya pagdating ng araw. Minsan nga nasa taas siya ng puno ng manga at nag-umpisang managinip ng gising na mayaman ang kanyang pamilya, at sa tuwing tumitingin siya sa kalahating ektaryang palayan nila, iniisip niya na ito ay malawak na “swimmingpool”. Ang kubo naman sa may bandang itaas ng palayan ay nai-imagine niyang isang malaking bahay na may mga katulong at kumpleto ang kanyang pamilya na masayang nagsasalo-salo sa bakuran. Masarap nga naman sa pakiramdam, nakakawala ng pagod kapag ganoon ang ini-isip mo. Hindi niya namamalayan na nakangiti na pala siya. wala siyang paki-alam kung may nakaka-kita sa kanya, ang importante masaya ang puso niya.
“Nalungkot ang lahat, halos gumuho ang kanilang mga pangarap sa pag-asang ang kanyang ate ang makakapag-angat ng buhay nila sa kahirapan”
Isang dagok na maituturing ng lahat ang pangyayari sa pamilya nina Yonon ng mabuntis ang koleheyo niyang kapatid. Nalungkot ang lahat, halos gumoho ang kanilang mga pangarap sa pag-asang ang kanyang ate ang makakapag angat ng buhay nila sa kahirapan. Halos itakwil na ng nanay ni Yonon ang ate niya, pero nanaig ang puso ng nanay nila at napatawad din pagkalipas ng isang taon. Nagpatuloy sa pag-aaral ang ate ni Yonon. Nakapag-tapos at nakapasa sa board exam. Doon muling na-buo ang mga pangarap nila, ang mapaganda ang buhay nila. Gustong pag-aralin ng ate ni Yonon ang dalawang naka-sunod sa kanya, ngunit dahil sa hindi sapat na kinikita ng ate niya sa panahon na iyon ay nag-pasyang magtrabaho nalang ang dalawa niyang kapatid sa Cavite. Si Yonon, ang pinag-aral ng “computer school” at sa kabutihan ng Panginoon ay pinalad na makapag-tapos sa tulong din ng mga nagtiwala sa kanya, pamilya, mga guro at mga kaibigan niya.
“Akala ni Yonon ay doon na nagta-tapos ang kahirapan, akala niya nasa mga kamay niya na ang tagumpay, ngunit mali siya, ang totoo, doon niya naramdaman ang responsibilidad”
Akala ni Yonon ay doon na nagtatapos ang kahirapan, akala niya nasa mga kamay niya na ang tagumpay, ngunit mali siya, ang totoo doon niya naramdaman ang responsibilidad. Nasa stage siya noon para tanggapin ang award(Third Honor) at diploma niya ng sumagi sa isipan niya na simula na ng tunay na buhay, simula na ng tunay na laban.
“Umabot sa puntong desperado na si Yonon sa paghahanap ng trabaho na kahit Janitor ay papasukin niya, makapag trabaho lang”
Isang buwan pagka-gradweyt, baon ang lahat ng kaalaman sa theorya, sa technolohiya, at lahat ng mga karanasan sa kolehiyo, isinama si Yonon ng kapatid niya sa Cavite at doon nakipag-sapalaran maghanap ng magandang trabaho. Naghanap siya ng angkop sa pinag-aralan niya ngunit bigo siya. Kailangan nila ng degree course, kaya napilitan siya na kahit ano na lang basta trabahong matino. Nahirapan din siya sa mga “Electronics” dahil sa kulang ang “height” niya. Nagka problema din siya sa medical na lalong nagpa-bigat sa dibdib niya. Gusto na siya pa-uwiin ng iba niyang kapatid para sa bukid nalang daw siya magtrabaho dahil hindi na kailangan ang medical examination doon. Umabot sa puntong desperado na si Yonon sa paghahanap ng trabaho na kahit Janitor ay papasukin niya, makapag trabaho lang. Lalo pang nakapag-pabigat sa loob niya ng sabihin din sa kanya ng isa niyang kapatid na last na daw ang ibibigay na pera para sa medical niya. Mabuti nalang at nandoon ang isa niyang kuya na walang sawang magbigay sa kanya ng “encouragement”. Makaka-kuha daw si Yonon ng trabaho, sa tamang panahon. Mayroon naman daw mga kumpanya na hindi mahigpit sa medical kaya huwag daw mawalan ng pag-asa. Si “pag-asa”, na-alala ni Yonon si pag-asa, dapat nga palaging mayroon tayo ng ganoon.Dapat ‘yon ang pinapanalangin natin palagi.
Nakalipas ang halos tatlong buwan na nakababad sa init sa paghahanap ng trabaho, ang paglalakad ng malayo para hindi na mabawasan ang natitirang pera at makatipid sa pamasahe, at ang mga “discouragement” na nakakasalubong ni Yonon. Sa awa ng Diyos, nakakita rin siya ng trabaho sa pabrika ng plastik. Mula noon nagkaroon na siya pakunti-kunting tiwala sa sarili, dahan-dahan na itong bumalik hangang sa ma-regular siya. Nasabi ni Yonon noon na doon na yata matutupad ang mga pangarap niya. Nakapag-padala na siya sa magulang niya. Nakakatulong na rin siya sa mga pamangkin niya. Nag umpisa na rin siya mag-impok para sa kinabukasan niya. Doon niya rin natupad ang pangarap niya na magkaroon ng Motorsiklo sa edad na bente. Iyon ang regalo niya sa kanyang bertdey katulong ang kapatid na pinag-hatian nila ang gastos. Nagkaroon din ng pagkakataon na makakuha ng bahay na hulugan, sa edad na 22. Sabi niya noon, lakas lang ng loob ang puhunan para makamit ang pangarap. Ngunit hindi pala ‘yon sapat, kailangan pala ng talino at pagtitiwala sa Diyos. Hindi sapat ang kinikita niya noon para makapagbayad ng bahay, ngunit sa tulong ng kapatid niya, naituloy nila iyon. Hati sila sa pagkuha at sa ibinabayad kada buwan. Inabutan ang kumpanya nila noon ng “Global Crisis” at doon nagsimula ang “challenge” sa buhay niya. Mahirap pagkasyahin ang perang “kulang”. Hindi pa rin sapat ang kinikita niya para matustusan ang kalahati ng binabayad sa bahay. Kaya kinapalan na niya ang kanyang mukha, nag apply siya sa pinagttrabahuhan niya ng mas mataas na posisyon. Hindi lang para tumaas ang sahod niya kung hindi para magamit niya ang pinag-aralan niya, ngunit bigo siya. Hindi siya pinayagan ng Supervisor niya. Kaya naman napilitan siyang maghanap ng ibang trabaho sa ibang kumpanya. Isa pang dahilan ay ang pagkatanggal ng “overtime” dahil sa Global Crisis. Na-isip ni Yonon na mag-apply abroad. Desperado kaya kahit janitor sa ibang bansa papatulan niya. Nagkaroon siya ng lakas ng loob lalo pa nasa ibang bansa na rin ang kaibigan niya, si Boboy. Apply. Apply. Apply. Ngunit bigo siya sa panahong iyon sa ibang bansa.
“Subalit hindi madaling sumuko si Yonon, interbyu dito interbyu doon, kahit walang tulog dahil panggabi sa trabaho sige lang”
Natanggap si Yonon sa bago niyang inaplayan at nagresign sa dating kumpanya. “Back to basic” ang sahod niya pero hindi iyon naka hadlang para magpatuloy siya sa trabaho. Nagkaroon siya ng overtime, sa unang isang taon maganda ang kita niya. Nai-pagpatuloy niya ang pagbabayad sa bahay. May pera siya pampadala sa magulang niya at may tira para sa sarili. Ngunit hindi ganoon kaganda ang naging takbo ng trabaho niya, naka-away niya ang supervisor niya na halos kaaway ng lahat at nami-mersonal. Nawalan na ulit siya ng gana sa kumpanyang iyon, kaya ang ginawa niya ay nag apply ulit siya ng ibang bansa. Hindi madali, maraming mga katunggali, mahirap makakuha ng slot. Subalit hindi siya madaling sumuko, interbyu dito interbyu doon, kahit walang tulog dahil panggabi sa trabaho sige lang. Taiwan, Qatar, Korea, at Duabi, yan ang mga bansang binalak niyang mapuntahan, pero sa loob niya naman, kahit saan mapunta ok lang, ang importante makapag-abroad siya.
Dahil sa patuloy na pami-mersonal ng Supervisor ni Yonon sa pinag-tatrabahuhan niya, lalo siyang naging desperado sa pag-apply sa ibang bansa. Biniro niya nga ang kaibigan niya sa Saudi na kahit janitor ipasok na siya magkapag-abroad lang. Abroad ang pinakamadaling solution. Kung baga “instant solution” sa kahirapan, iyan ang nasa isip niya noon. Hanggang sa tinawagan nga siya ng Kaibigan niya na nangangailangan ng Admin Assistant sa kanila at ini-rekomenda si Yonon sa boss ng kaibigan niya. Noong una medyo nag-alangan siya kasi hindi naman ‘yon ang linya ng trabaho niya, pero naeexcite naman itong si Yonon kasi kung sakaling matatanggap eh break niya na ‘to para sa pinag-aralan niya. “Swak” kung baga sa naisin niya. Ngunit sa unang pagkakataon ng interbiyu ay bigo siya. Hindi siya nakapasa. Sabi pa nga ng nag interbiyu sa kanya eh bata pa raw si Yonon at marami pa daw siyang experience na mapapagdaanan. Medyo na-dismaya siya sa narinig, pero hindi iyon naging hadlang para magpatuloy siya sa paghahanap at patuloy na mangarap na makapag-abroad. Nandiyan din ang kaibigan niya sa Saudi na patuloy ang pagbibigay ng mga encouragement.
“Pasado na si Yonon”
Makalipas ang dalawang buwan tinawagan ulit siya ng kaibigan niya at tinanong siya kung gusto pa raw mag-abroad, kung hindi pa raw nawawala ang pag-hahangad na makapag abroad. Sinabi niya sa kaibigan niya na hindi siya madaling ma-apektuhan ng kabiguan. Lalo pa nga raw siyang pinatatatag nito. Tuwang-tuwa ang kaibigan niya na pinag-hahanda ulit si Yonon para sa interbiyu ulit bilang “admin assistant”. September 13, 2010 siya sunod na na-interbiyu. Sa pagkakataong iyon ay nagkaroon ng pinakamagandang regalo sa buhay si Yonon sa pag-sapit ng kaarawan niya sa labing dalawang araw pagkatapos ng interbiyu. Pasado na si Yonon. Kinabahan lang ulit siya pagdating sa Medical, ngunit dahil sa panalangin at pagtitiwala sa Diyos ay naipasa niya rin ito.
“Akala ni Yonon buong suporta ang matatanggap niya, pero mali ulit siya kasi puro discouragement ang natanggap niya”
Sa pagkakatanggap ni Yonon sa abroad, nilihim niya ito sa pamilya niya at sinabi niya lang sa kanila noong tapos na siya makapag-PDOS. Ate niya lang ang sinabihan niya para daw siya nalang magsasabi sa nanay niya na malapit na siya umalis ng bansa para sa katuparan ng mga pangarap nila. Ngunit sa pag uwi niya sa Bikol, sa bahay nila, si Yonon ang nasorpresa ng sabihin ng kanyang pamilya na hindi na lingid sa kanila ang bagay na iyon. At ng kinausap nga nila si Yonon, akala niya buong suporta ang matatanggap, pero mali ulit siya kasi puro discouragement ang natanggap niya lalo pa raw na Saudi ang pupuntahan niya. Pero sabi ni Yonon sa kanila wala silang dapat ipag alala dahil nandoon nga ang kaibigan niya na halos isa’t kalahating taon nang nagttrabaho doon. At kahit anong discouragememnt nila wala sila magagawa pag si Yonon nag-desisyon, lalo pa na porsigido talaga siya sa plano niya. At sinabi ni Yonon sa kanila na para naman sa kanila iyon at hindi lang para sa sarili niya. Naintindihan naman nila si Yonon at sinupportahan nalang siya. Hindi niya lahat nakausap at nakasama ang lahat niyang kapatid dahil isang araw palang siya sa kanila ng tawagan siya ng Agency na may kailangang pirmahan na mga papeles kinabukasan kaya ura-mismo eh bumalik si Yonon ng manila para magawa ang kailngang gawin.
“Ang sisiw na mawalay sa kanyang inahin ay sadyang napakahirap. At ano pa para sa magulang na mawalay ang kanyang anak”
Ang sisiw na mawalay sa kanyang inahin ay sadyang napakahirap. At ano pa para sa magulang na mawalay ang kanyang anak. Kaya hindi nakatiis ang nanay ni Yonon at sinundan siya sa manila para makasama habang nasa pinas pa siya. Sinabi ng agency October 15 ang alis ni Yonon ngunit na adjust ito ng ika-beynte siyete. Kaya medyo mahaba haba pa ang panahon na inalagi niya sa piling nang nanay niya at tatlo niya pang mga kapatid. Masaya, malungkot ang naramdaman ni Yonon. Masaya kasi unang una, siya pa lang sa pamilya nila ang makakapag abroad, at siya pa lang ang makakasakay sa eroplano. Tawanan sila sa ganoong biruan. Malungkot naman, kasi matagal kaming hindi magkikita, magkukulitan, magkakasama. Sa panahong kasama ni Yonon ang kanyang pamilya, dapat siya ang pinalalakas nila ang loob, pero hindi eh, siya ang nagpapalakas sa loob ng kanyang mahal sa buhay upang hindi sila malungkot sa pag alis niya, bagkus matuwa sila dahil ito na ang mga katuparan sa mga pangarap nila, at maiiangat ang buhay nila kahit papano. Pero siguro ugali niya na talaga, or malakas lang talaga ang loob niya. Imbes nga na si Yonon ang umiyak dahil malalayo siya, hindi rin kasi pamilya niya pa itong iyak ng iyak kasi aalis na siya. Alas syete ng gabi ang flight ni Yonon, alas tres pa lang dapat nasa Airport na siya ( NAIA ). Gabi pa lang bago siya umalis hindi na matigil ang luha ng mga kapatid niya. Si Yonon naman ay abala sa pag aasikaso ng mga dadalhin niya. Kaya imbis na samahan niya ang kanyang mga mahal sa buhay sa kalungkutan eh pinagtawanan niya nlang ang mga ito para naman ma “lessen” ang kanilang nararamdaman. Alas Dose ng Tanghali, umuwi na Si Yonon sa kanila para kunin sa bahay ng kuya niya ang mga dadalhin niya ng itirik siya ng motor niya sa kalagitnaan ng kanyang biyahe pauwi. Tawag siya ng rescue siyempre sa kapatid niya kaso lang ilang beses na siyang nag–Dial walang sumasagot hanggang sa namatay na ang telepono dahil siguro na-lobat. Tawag naman siya sa bayaw niya habang sinusubukan niyang paandarin muli ang motor at sa tulong ni Lord, nabuhay niya ang makina at safe and sound siyang nakauwi sa bahay nila. Ito naman ang isa pa sa hindi niya makakalimutang nangyari bago siya umalis. Sa may hintayan ng sasakyan pabalik sa bahay ng ate niya, kasi magpapasama siya sa bayaw niya sa Airport dahil ayaw sumama ng ate niya kasi iiyak lang daw ng iiyak ang ate niya, nagmadali si Yonon sa paglalakad ng bigla mauntog ang ulo niya sa sanga ng puno. Akala niya bukol, akala niya dugo, kasi masakit, pero buti nalang galos lang, mahapdi kasi pawisan siya, yong pawis niya ang nakalikha ng acid na siyang nakapagpahapdi sa nauntog niya. Ikaw ba naman ang aalis na ng bansa, halos nga hindi niya maipaliwanag ang nararamdaman niya sa mga oras na un, halos sa araw na yon. Sa madaling kwento naihatid na siya ng bayaw niya at isa niyang pamangkin sa Airport ng maayos. Hindi niya makakalimutan ang bilin ng pamangkin niya na siguro turo ng mama niya, “ tito Yonon bili mo ako laptop pag-uwi mo ha!”. Nakakatuwa, ibig sabihin kailangan talaga ni Yonon magtipid para makabili ng laptop, kundi lagot siya sa pamangkin niya.
“Ika-27 ng Oktobre 2008 ang araw ng pagkakaloob ng passportni Yonon at ika-27 din ng Oktobre 2010 ng araw ng pagkakaloob sa kanya ng Panginoon sa kanyang panalangin”
Sa airport, ayon nagkita kita na si Yonon at ng tatlo niya pang kasama at kasabay papunta sa Saudi. Iba’t ibang emosyon. May masaya, may malungkot, maytuwang tuwa, ang iba naman puro luha. May patuloy sa pagtawag sa mga mahal nila sa buhay, yong iba naman busy sa laptop nila, yong iba naman lobat na, hindi na makatawag o matawagan, at si Yonon po yon. Ito na nga yong mga Security guard na nagpapatupad ng kanilang “security measure”, galit na galit na pinalilinya ng maayos ang mga paalis at pinapupunta naman sa waiting area ang mga nag hatid. Nandoon na sila sa loob at may mga pinil-apan na mga form. Nagulat si Yonon at natawa noong inilagay niya ang “date of issue” nang Passport niya at date ng pag alis niya ay dalawang taon eksakto ang pagitan. Ika-27 ng Oktobre 2008 ang araw ng pagkakaloob ng passport niya at ika-27 din ng Oktobre 2010 ng araw ng pagkakaloob sa kanya ng Panginoon sa kaniyang panalangin. Kinilabutan siya ng bahagya dahil sa kasagutan ng kanyang panalangin. Napakapangyarihan ng Diyos para tup’din ang kahilingan niyang makapag abroad. At narealize niya rin sa mga oras na iyon na kailangan talaga ang tiyaga sa paghhintay ng ating mga panalangin at kahilingan sa Panginoon. Napakabuti ng Panginoon. Sa lahat ng oras.
“This is it”.
Dalawang oras pa silang naghintay sa loob ng Airport ng flight nila ng mga kasama niya. Tumawag na sila sa Agency para i-inform na naandoon na silang lahat sa loob at walang anumang naging problema. Napakalawak sa loob, nakita na ni Yonon ang eroplanong sasakyan nila. Iniisip niya na sana sa tabi siya ng bintana para makikita niya ang mga ulap at ang view sa ibaba. Isang oras nalang, kalahating oras pinapasok na sila sa eroplano. “This is it”. Sabi pa nila ng mga kasama niya. Ayon oh, sa tabi nga ng bintana ang upuan ng mapalad na si Yonon. Tuwang tuwa siyempre siya. Maliwanag pa noon, pero wala naman masyado makitang iba kundi mga eroplano din. Ang magandang view ay nasa loob ng eroplano, ayan yong mga naggagandahang mga stewardees, yahooooo!!!!. Pero naisip ni Yonon ang “Girlfriend” niya, kaya “kaliwali” stewardees. Madilim na nang nag announce na ng “ Please pasten your seatbelt” ang spokesperson ng eroplano. Mga ilaw na ang nakikita ni Yonon sa labas. Hindi niya maipaliwanag ang nararamdaman niya. Hindi. Wala talaga. Ang inisip niya nalang, “ito na yon”. Para naman malibang at mabawasan ang mga iniisip niya, ayon oh may sounds tsaka movie sa harap niya, ito nalang atupagin niya. Tapos may route pa, astig, tapos malalamamn muh kung ilang oras pa bago makarating ng Bahrain, tapos ayon pa yong mapa, at ang higit sa lahat, “Tazcreen” pa, ang lufet. Halos 5 pelikula ata ang napanod ni Yonon eh. Yong kasama niya nakatulog na, samantalang siya ay parang wala sa isip ang matulog, nanamnamin niya ang bawat sandali habang nasa eroplano siya. Pero sa haba ng oras, napagod din siya sa kakapanood kaya walang sawa niya nalang tiningnan ang kalangitan na halos naalala niya nga iyong minsan sa panaginip niya na nakakita siya ng ulap na ginto na kamukha ng Panginoon at sa realidad ay nakikita niya na ang mga ulap na napakaliwanag kahit na nga dyes oras na nang gabi. Parang sinasabi sa kanya na “ito na yong panagarap mo Yonon oh!”. Abot kamay mo na. dati napakataas ng mga ulap, pero sa pagkakataong iyon abot kamay na ni Yonon.
“Noong gusto ni Yonon bawiin ng perang ipinagpalit niya ng Riyal ay ayaw na ibigay “Itik”, ang tanging sagot nalang ng “Itik” eh “Pare no problem!””
Nakarating sila ng Bahrain tapos kalahating oras na paglalalkad yata yon at narrating na ulit nila ang isa pang Eroplanong kailangan nilang sakyan papunta Saudi. Yon ang tinatawag na “connecting flight”. Fill-up ng Form na ang sinumang may dala ng pinagbabawal na droga ay kamatayan ang kaparusahan. Ayon isang snack lang, pagkatapos nilang kumain ng snacks eh pababa na ang eroplano, ang bilis. At nasa Dammam Saudi Arabia na nga sila, ayon lakaran ulit. Hanggang sa maabot nila ang Immigration para i-check ang mga dala-dala nila. Ito ngang “tangang” si Yonon, palibhasa baguhan, nang tinanong ng about money eh hablot naman agad ng lahat ng pera kasi akala niya kailangang i-declare ang perang ipapasok sa bansa. Ang hindi niya alam, hinahanap pala nila eh yong magpapapalit ng Saudi Riyal. Huli na ang lahat ng iniabot na sa kanya yong Riyal kapalit ng peso na ibinigay niya sa “Itik”. Nung gusto niyang bawiin ang perang ipinagpalit niya ng Riyal sa “itik” ay ayaw na ito ibigay, ang tanging sagot ng “itik” eh “Pare no problem”. Gusto niya man ipagpilitan na bawiin pero sabi ng kasama niya hayaan niya na raw lalo pa na dayuhan lang sila. Oo nga naman, hayaan mo na ‘yon, tsaka ang importante may Riyal na siya. Pero kung iisipin kaunti lang naman ang nawala, halos nga wala pang 600, ibig sabihin ba nun 599 lang nalugi sa kanya? Hindi umabot ng 600 eh.
“Ayon at wak-wak ang bagahe ni Yonon, wasak ang lock, check check check at baka nawala ang brief niya”
Ang haba ng pila, ang tagal bago sila inasikaso. Huli pala talaga kapag mga baguhan. Ayon at nagsasalita ng Arabic ang mga Saudi na hindi niya maintindihan na lalo na noon niya lang narinig. Pero he have to use the universal language, ang bikol, este, English. Ayon at sa awa ng Diyos eh 6 Oclock early in the morning na sa oras ng Saudi sila nakalabas ng Airport, at nakapasok sa Kaharian ng Saudi Arabia. Ayon at wakwak ang bagahe ni Yonon, wasak ang lock, check check check at baka nawala ang brief niya. Ayon at wala naman casualty sa mga gamit niya. Pero kaliwali, palitan nalang pag uwi, pero sayang kasi malaki pa naman, balak niya pa naman sana punuin ng pasalabong pag uwi, pero wag na muna isipin ang pag uwi kasi kararating lang eh.
“ Al-Hugayet Company” “Welcome to Saudi Arabia” Mr. Yonon Luap
Ayan na si Jagat, ung driver na susundo sa kanila, nakita ni Yonon na ‘yong pangalan niya ay isa sa mga pangalan na nakasulat sa isang buong papel na napag alaman niyang gawa ng kaibigan niya(si Boboy). “ Al-Hugayet Company” “Welcome to Saudi Arabia” Mr. Yonon Luap at iba pang mga kasama niya. Ibinigay sa kanya ang susi at may kinuha lang na kung ano or baka nag-CR lang ‘yong drayber, ayon wala pang isang minuto eh bumalik na at niyaya na silang sumakay sa Kotse na dala niya. Hirap sila kasi hindi kasya ang mga bagahe nilang apat sa trunk ng kotse kaya nilagay nila ng mga kasama niya yong sobra sa loob ng sasakyan, ayon at nagsiksikan sila sa unahan at sa back set. Parang nag uumpisa pa lang ang araw sa Saudi eh naghhirap na sila dahil sa siksikan sila sa sasakyan, pero nabawi naman ‘yon ng magandang view na makikita muh sa labas ng sasakyan. Ang malawak na disyerto, ang napakagandang “Sunshine”. Sa ngayon mai-cocompare ni Yonon na sa una ang buhay sa Saudi ay mahirap, katulad ng siksikan sila sa sasakyan papunta ng campo, at pangalawa, ung Diyerto na napakaganda sa mga mata niya at ang sunshine na parang nagsabing warm ang pagkakawelcome sa kanila, na maganda ang buhay na naghihintay sa kanila dito. Narating nila ang campo, ayos lang, pwede na. Hindi Building, mga cabin lang, pero ok naman, comportable nman. Ayon si Shabudin bay, siya ang nagdala sa kanila sa cabin nila. Silang apat sa isang kwarto pero malaki. Dalawa ang Aircon, ang lamig no’n. Ang sarap matulog sigurado, at ayon nga natulog na ang mga kasama niya. Ayan na ang kaibigan ni Yonon, nagkita na sila, hindi niya alam ang magiging reaction niya kasi halos dalawang taon sila hindi nagkita noon eh. Dinala si Yonon sa cabin ng kanyang kaibigan, astig ng kaibigan niya kasi siya lang sa kwarto niya. May computer, kumpleto sa gamit pangluto. Alas 9 na, gutom na sila, buti nalang andiyan yong mga tropa ng mga kasama niya, sila nag-asikaso sa kanilang apat sa pagkain. Corned beef ang inulam nila. Sarap ng kain nila, busog. Ayon nagkaroon na si Yonon ng pagkakataon sa computer. Ano pa nga ba, tama ang iniisip mo, Facebook nga muna ang inatupag. Wala naman ibang magawa eh, uhm review review ng mga Microsoft application.
“Kinakabahan man, napilitan na si Yonon magpakilala, halos ngatal nga ang bibig sa pagsasalita”
Kinagabihan ayon at sinama na siya ng kaibigan niya sa panambahan, may IP daw at isa ang kaibigan niya sa mga workers. Tamang sama lang, walang idea kung bakit naandon si Yonon. Nakilala niya mga ka-gymmate ng kaibigan niya. Sumunod na dalawang araw punta ulit ng gym, praktis daw ng kanta, sama naman siya, nakikanta. Kinabukasan Divine Service daw. Sama ulit si Yonon at nandoon nga at nagpakilala ang mga bagong attend sa unahan. Kinakabahan man, napilitan na si Yonon magpakilala. Halos ngatal nga ang bibig sa pagsasalita. Pero ayon nakapagpakilala din siya. Kantahan, sayawan, message, kainan. Ang masarap na part dun hindi ung kainan, para sa kay Yonon yong kantahan na halos naluluha ang mata niya ng hindi niya sadya yong bang nararamdaman mo ang daloy ng espiritu sa pagkatao mo. At pagkatapos ng service eh pinatanggap siya at ang isang bagong attend din sa Panginoon. Sa una parang kakornihan ang ginagawa ng nagpatanggap sa kanya, pero sa kalagitnaan, naramdaman niya na parang nagungusap na sa kanya ang Panginoon.
“Ang pagtitiwala ng lahat ng bagay sa Kanya”
Simula noon palagi na si Yonon kasama ng kaibigan niya sa lahat ng event. At doon niya na naranasan ang manalangin gabi-gabi. At doon na rin nagbago ang mga routine niya sa buhay. Panalangin bago kumain, sa pagtulog, sa pag alis ng bahay at napasali na rin siya sa mga nananalangin sa IP. At marami ng mga sumunod pa ang mga ginampanan niya sa gym. Masaya, masarap ang nararanasan ni Yonon sa Saudi, at ito na ang pinakamagandang nangyari sa buhay niya para sa kanya, ang makakilala sa Panginoon. Ang dami ng bunga nito sa buhay ng isang tao, lalo na sa kanya. Isa na ang pagtitiwala ng lahat ng bagay sa Kanya(Diyos). Isa pa wala siyang nararamdamang homesick, nakakagulat at nakakatakot nga kasi hindi niya rin maipaliwanag kung bakit ganoon ang nararamdaman niya. “Strange” na matatawag, kasi dapat natural na mararamdaman yon ng isang abroad, pero bakit ganun, hindi niya maramdaman. Para sa kanya ito ay isang bunga ng pagtanggap sa Panginoon. Nawawala ang ganung bagay kasi pinag-katiwala na sa Panginoon ang lahat ng bagay.
==>kwentong kwento
